Fool me not.. (14) the plan
Written by: REN
“I heard Ralph’s family is also here in the Philippines.” Biglang nasabi ni kuya Aldrin habang nag-a-almusal kami. Damn. Ayokong naririnig ang pangalan na yun lalo na pag kaharap ko si Alyssa. Hindi ko alam kung guilt o selos ang nararamdaman ko.
Simula nang dumating si Alyssa at Dad dito, lagi na kaming sabay kung magbreakfast.
“Is this true, Al?” tanong ni kuya Allan sa kapatid namin. Tumango naman siya.
“Oh talaga? So is Axl also here?” tanong ng isa kong kuya. Tumango uli si Alyssa.
“Who’s Axl?” I asked.
Shit. May nakalimutan na naman ba akong tao?! Oh God. Please, NO! Natataranta na ang utak ko.
“Don’t worry Alexis. Hindi mo pa talaga kilala si Axl.” Tiningnan ako ni Dad – parang nabasa niya ang naiisip ko.
“Axl is Ralph’s older brother. Ka-edad ko yun. He was adopted by his uncle. Dinala siya sa states when he was 7 years old. 2 years old ka palang that time.” Kuya Aldrin explained.
“Nakilala siya ni Alyssa sa States. Close pa rin kasi siya kina Ralph kahit na inampon siya ng uncle niya.” This time, si kuya Allan naman ang nagsalita.
“Yes ate, madalas kasi ako kila Ralph when he was still in the States. Then, laging dumadaan si kuya Axl doon to talk to their parents.” Alyssa added.
“How about this? Labas tayo kasama si Axl?” Kuya Allan suggested. “Gusto ko ding malaman ang pinaggagawa niya sa buhay niya. As far as I can remember, he wanted to become a doctor… Aldrin and I are already businessmen. What about him?” napaisip din si kuya Aldrin sa sinabi ni kuya allan.
“That’s a great idea Allan. I’ll set –“ singit ni dad pero binara siya kaagad ni kuya Aldrin.
“Sorry Dad, pwedeng kaming mga bata muna?” my brother laughed.
“I’m also young.. young at heart..” banat ni dad.. Nagtawanan kami.
“Kuya Aldrin, guLang ka na kaya..” Alyssa raised her eyebrow. Imbis na mainis, natawa lalo si kuya Aldrin.
“Alyssa, it’s guRang, not guLang.” – kuya Allan.
Medyo madaling mabulol si Alyssa sa Filipino words.
“Hoy! 22 lang ako!” reklamo ni kuya Aldrin. “Ikaw nga Allan, 20 ka lang pero mas mukha ka pang matanda sa akin.”
Nagtawanan ang lahat maliban sa akin.
“Are you okay, sis?” tanong ni Alyssa.
“Yes,” I smirked. May naisip akong ideya. Yes, it’s a wicked one.
The hatred in my heart just won’t go away. I have to do this. I just have to… even if it’s not right…
—-
We’re waiting for an hour already. Axl is late. I wonder what he looks like. Kasi.. kung pangit, baka di ko magawa yung plano ko.
“One hour… and our dear sister Alexis is still waiting here with us?” Kuya Allan started.
“You’re right, bro.. WORLD RECORD to! Ang pinakamatagal niya dati is 10 minutes.”
Ako yung tipo ng taong hindi marunong maghintay. Sobrang mainipin kasi ako. So kapag naasar na ako kakahintay, umaalis na ako kaagad maliban na lang kung interesado ako sa isang tao.
“Interested ka kay Axl?” sabay na tanong ng mga kapatid kong lalaki. Tapos nag highfive pa ang dalawa.
Napatingin ako kay Ralph na katapat ko lang. Nakatingin din siya sa akin. I know he heard what my brothers just asked.
“Who knows?” bumalik ang tingin ko kina kuya Allan. Alam kong alam na ni Ralph ang balak kong gawin. I wonder what he’ll do. Will he stop me?
“Oh, kuya Axl. There he is.” I saw my sister waved her hand.
I looked back.
“Shit.” I whispered.
He is definitely Ralph’s brother! Mas matangkad at mas malaki lang ang katawan niya compared kay Ralph. Magkaiba lang din sila ng hairstyle. Mas neat tingnan ang haircut ni Axl. Anyway, naka black long sleeved vest siya. Then nakataas yung sleeves hanggang sa may siko niya – mas lalo tuloy nagmukhang malaki ang katawan.
“Allan, Aldrin! Mga Pare!”
Tumayo naman ang dalawa kong kapatid para sa ‘bro-hug’ ng mga lalaki.
Sa tuwing itataas ni Axl ang braso niya, nakikita ko yung magandang shape ng katawan at muscle niya. Damn. Older guys are much hotter… *DOM is an exception.
“Hi Alyssa… looking good pa rin huh.” Bati ni Axl. “Bro,” tapos ng fist bump lang yung magkapatid.
Umupo na siya sa tabi ko. Yun na lang naman kasi ang vacant na upuan.
“Ooooh! Wow!” he shook his head in amazement while looking at me. “Ikaw na yung batang kinakarga ko lang dati?! Alexis, right?”
“Well, yes.” Matipid na sagot ko.
“You’re so beautiful. Wow. Seriously. Buti na lang pala at nakaabot pa ako dito sa dinner.” Nakakatuwa siyang tingnan. Hindi siya mahiyain o masungit. Alam mo yung kita ko sa mukha niya ang amazement. Well, hindi ko alam kung sa lahat ng babaeng gusto niyang pormahan ay ganun siya.
“Oh, damn. I’m sorry for being late. I’m Axl by the way. Uhm. I’m sorry. I had to run an errand for a friend.” He’s apologizing to me.
“Kuya, sa kanya ka lang masosorry? Naghintay din kami.” Singit ni Ralph. Nakatingin siya sa kuya niya. Noong una, akala ko seryoso sila parehas. Then, Axl burst out laughing.
“Oh, bro.. Sorry. Can you forgive me? ” pangungulit naman ni Axl sa kapatid. Alam mo yung parang mas inaasar niya pa si Ralph. “Libre na lang kita mamaya.”
Tamang kulitan lang. We ordered foods and ate quietly. Nagjojoke si Axl paminsan-minsan… pero hindi para sa lahat… para sa akin lang. Magkatabi kami e so kahit bulong lang, maririnig ko siya. After kumain, nagkwentuhan na.
“You know, Axl, I invited you here so that Allan and I could talk to you. Eh kaso parang kayo na lang ni Alexis ang nag-uusap.” Tawa si kuya Aldrin. I know my brother is trying to set me up with Axl.
“Oh, sorry. Masaya siyang kausap. Maganda pa. So, malamang, I’ll choose her over you assholes.”
I learned a lot about Axl – mga kalokohan nila kuya Allan with him when he was still here in the Philippines. And of course, hindi maiiwasang mabanggit ang relationship ni Alyssa and Ralph. Affected ako sa topic na yun pero kinailangan kong mapakinggan LAHAT. Kahit masakit, shit. I need to stay focused, though. I’m observing Axl.
After an hour or so, natapos na ang kwentuhan.
I tried my best to use my charm on Axl. I just need him to be interested in me… not for a lifetime… but at least just for tonight.
“Excuse me,” tumayo ako para pumunta sa comfort room. Nakita kong tumayo din si Ralph kaso narinig ko ang boses ni Alyssa.
“Ralph, kain pa tayo nito.” That’s my sister’s voice. Napaupo uli si Ralph. Hindi na ako nakatingin sa table namin pero naramdaman kong may tumayo pang isang tao.
Pumasok na ako nang tuluyan sa banyo. I looked at myself in the mirror.
“Good luck, Lexi.” I sighed. This is it. Alam kong si Axl ang tumayo kanina. Sinundan niya kaya ako or talagang kailangan lang niyang magbanyo? Anyway, whatever. Lumabas na ako ng comfort room.
I saw Axl standing in front of the wash area which is just beside the ladies’ room.
“Hi.” He smiled. Shocks. Even their smile is the same. “This is kinda rush but I like you. Can we go out again? Just the two of us?”
It worked.
I smirked and I made sure Axl saw it. Lumapit ako sa kanya. I tiptoed…put my hands on his shoulders…and whispered into his left ear.
I felt his hands on my waist.
Tumaas din suot kong dress. Wala namang ibang tao so it’s okay.
“I like you, too… and I’ll go out with you… only once, though… just tonight… Take it or leave it…” my voice…so seductive and sweet…
Sakto namang dumating si Ralph. Naabutan niya kami sa ganoong posisyon. Hindi na ako nagulat. Dahan-dahan kong inayos ang sarili ko.
I heard Axl’s chuckle. Hindi ko siya nilingon kasi nakatingin pa ako kay Ralph. I know he’s mad. You see your ex-gf flirting with your brother, who wouldn’t get mad, right?
“You’re different, Alexis. Anyway, just once? Are you sure? Imma make you change your mind.”
“..make me, Axl.” I said while still looking at Ralph. Then, bumalik ang tingin ko sa kuya niya. I kissed Axl on the cheek. I smiled at him. He winked at me.
I turned around and saw Ralph’s face – his brows are creased. I smirked.
“..the fuck?” I heard him say.
Bumalik ako sa table. Nagkikwentuhan lang ang mga kapatid ko. Mukhang malungkot si Alyssa.
“Little sis, what happened? Inaway ka ba nitong mga to habang wala ako?” tanong ko..
“No, ate… uhm.. nothing.. busog lang siguro ako.”
I know something’s not right… I’ll talk to her when I get back home in the morning…
Sabay na bumalik si Axl at Ralph… I can feel the tension between the two of them. Alam kong naramdaman din ng mga kapatid ko yun.
“Anyway, bro, I’ll sleep in Mae’s house tonight… I gotta do something.” Paalam ko sa mga kuya ko.
“Okay… kailan ang balik mo sa bahay?” tanong ni Kuya Aldrin. Madalas naman ako kina Mae e kaya parang natural na sa kanila to.
“…uhm, tomorrow morning din.”
“O sige.. I’ll tell dad.” Si kuya Allan naman ang nagsalita.
“Isama mo na din kaya si Alyssa, Lexi?” Ralph suggested… nakatingin siya sa akin. “…alam mo kasi, medyo hindi pa sanay si Alyssa sa bahay niyo… she can’t sleep alone.”
“Is that true, sis?” tinanong ko si Alyssa. Basta, kailangang matutuloy ang plano ko ngayon.
My sister nodded…
“Hmm, andyan si kuya Aldrin and kuya Allan… I’m sorry… di kita maisasama ngayon, sis.. Babawi ako next time.”
“Oo nga naman, Alyssa, lagi na lang si Alexis ang kasama mo. We also miss you baby.”
“Hmmm, sige, one night lang naman ate… See you, tomorrow.”
Nakita kong umiling si Ralph…
“Okay, bye, sis… bye mga kuya.. bye Ralph..” tumayo na ako at hinalikan ang mga kapatid ko..
“If you don’t mind.. ihahatid na kita Alexis..” Axl smiled at me… “…bawi na din kasi nalate ako.”
Syempre, noong una, nagpakipot pa ako para naman hindi halatang planado namin yun. Ayun, hanggang sa sina kuya Allan na ang pumilit sa akin na magpahatid kay Axl.
“Oh, kuya, make sure na ihahatid ni Ralph si Alyssa sa bahay ah… It’s still early, bakit hindi muna kayo mamasyal? Nood ng sine?” I suggested.
“Oh right! Gusto kong panoorin yung –“
Iniwan namin ni Axl yung apat.
I called Mae and told her na sabihin kina kuya na sa kanila ako matutulog ngayon. Alam kong alam niyang may gagawin akong kababalaghan…
“Lexi, hay naku, don’t you dare to mess up… or else, I’ll kill you.”






(4.83 out of 5)









Damn. Older guys are much hotter…
*DOM is an exception.
Buti na lang di ako DOM hahaha..
Like or Dislike:
1
0
March 13th, 2013 at 9:36 pm
so cute ng story.. next na po
Like or Dislike:
0
0
March 14th, 2013 at 12:29 pm