Fool me not.. (13) You can’t fool me anymore
Written by: REN
I opened my eyes… Alyssa was still sleeping beside me. It’s just 7 in the morning… Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at magtoothbrush. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Halatang kulang sa tulog. Anyway, I had a dream last night. It wasn’t a nightmare. Naalala ko na lahat… lahat ng bagay na nakalimutan ko bago ang aksidente… I remember them all now.
Yes, Barron was the kid… he was my childhood sweetheart. I had a crush on him before the accident I lost my memory. Naaalala ko yung mga bagay na ginagawa ko para kay Barron para lang mapansin niya ako. Same with Alyssa, I remember the way she looked at Ralph.
Ralph lied. Yung bracelet na pinakita niya sa akin dati ay yung binigay sa kanya ni Alyssa.
Nagbihis na ako at pumunta kaagad sa likuran. Kinatok ko ang pintuan nila Mang Rene. Si Ralph ang nagbukas. May hawak siyang bag. It looks like he’s gonna move out.
“Alam mo na lahat, di’ba?” he looked at me. “I don’t have any reason to stay here.”
“Buti alam mo, I don’t want you near me… or my sister.”
Hindi nakasagot si Ralph…
“Hindi tayo pwedeng mag-usap dito… Let’s go somewhere else… kung saan di tayo makikita ni Alyssa.”
——
I was in the driver’s seat. Hininto ko ang kotse sa tabi. Sinigurado kong malayo na kami sa subdivision namin.
“How could you that?” tiningnan ko siya… “…you knew we’re sisters.”
“Hindi ko naman sinasadya Alex…”
“Alin ang hindi mo sinasadya?”
I want to listen to his explanation… kahit na alam kong mali siya… gusto ko pa ring marinig ang side niya.
“…na magugustuhan kita uli. Simula bata pa lang tayo… ikaw naman ang gusto ko.”
“AND SO? Kung hindi mo sinasadya bakit hindi mo sinabi sa aking may girlfriend ka na? Alam mo na ngang iniwasan kita dati dahil akala ko kayo ni Mae! You should have left it that way— na inakala kong may girlfriend ka!”
“…dahil ikaw nga ang gusto ko.. ikaw nga ang mahal ko. Gusto mo din naman ako. Inamin mo yun. I grabbed the chance! Makikipagbreak na sana ako kay Alyssa this break pag punta ko ng states…”
I slapped him.
“That one… is for my sister. She’s so young… yet, you didn’t think twice about breaking her heart?”
“I’m sorry…” he said…
“…siguro, kung ibang babae yun Ralph… matatanggap ko… kaya kitang patawarin… but your girlfriend is my sister! If you don’t like her, then why the hell did you ask her to be your girlfriend!?”
“I didn’t ask her out okay? She did!”
“Eh gago ka pala e! BAKIT KA PUMAYAG!?” gustong gusto ko na siyang sampalin ULIT!
“…I can’t help it. She reminds me of you…so I—”
Hindi ako nakapagsalita kaagad… Mixed emotions… Oh God… why is this happening to me?!
“…oh yeah? That’s bullshit Ralph! So that’s why you f*cked my sister?? You took advantage of her! You s*n of a b*tch!” tinanggal ko ang seatbelt ko at saka ko hinila ang damit niya. Gusto ko talaga siyang saktan. Pinaghahampas ko siya. Hindi ko alam kung gusto kong gawin yun para sa akin o para sa kapatid ko? Maybe, both.
“Tama na, Alexis… tama na!” hinawakan ni Ralph ang mga kamay ko. “I told you… trust me, right? You promised to trust me whatever happens, Lexi..”
“Trust my ass! That promise is not worth my sister’s tears, Ralph.. Alam kong alam mo yan. And if you think that I can hurt my sister for you… anong klaseng babae ang tingin mo sa akin?”
“Alexis, nangyari na ang nangyari. I’m sorry. I’m sorry, okay? Tao lang ako… nakakasakit.. nagkakamali… Forgive me.” Binitiwan na niya ang mga kamay ko.
“…Ralph..” umiyak na ako. “…hindi ganun kadali yun..” tiningnan ko siya. “…you cheated on my sister…using me. What would you expect me to feel?”
Natahimik kaming dalawa…
“Alexis… pag-usapan natin to… please? Maaayos pa natin to.”
“No, hindi pwede… Ayokong makita ka… wag kang magpapakita sa akin or kay Alyssa. Stay away from us!”
“Alexis… please! I love you so much!” hinawakan niya ang kamay ko.
“Don’t touch me!” lumabas ako ng kotse at hinila palabas ang dala niyang bag mula sa upuan sa likuran. Sinipa ko ito sa gitna ng kalsada. Inaantay kong lumabas ng kotse si Ralph… after a minute, he did.
Fortunately, walang tao sa lugar na yun. Hindi kami makakagawa ng eskandalo.
Sumakay uli ako ng kotse… kaso biglang humarang si Ralph sa harapan. Binaba ko ang bintana at sumilip.
“Umalis ka dyan Ralph… I swear I could kill you right now!”
“…kung yan ang gusto mo.. sige… I’ll die for you! Just forgive me!”
Bumusina ako nang matagal. I can see him covering his ears with his hands. Bumaba uli ako ng kotse.
“Ano bang problema mo?! I hate you! I hate you! Paano mo ko— paano mo nakayanang ganunin si Alyssa! Ralph… alam mo ba kung ano ang ginawa mo? PINAGSABAY MO KAMI NG KAPATID KO!”
“Alexis!” he shouted. “…hindi lang kayo ang taong nasasaktan sa mundo! Hindi lang ako ang taong nakakasakit ng damdamin ng iba! Please, bakit hindi mo ako mapatawad? Hindi naman pwes nasaktan ka ng isang tao ay itataboy mo na lang siya basta-basta… Ganun na lang ba akong kadaling itapon, Lexi?”
Lumapit ako sa kanya.
“How dare you say that to me?” tumulo ang luha sa mga mata ko. “…ang kapal ng mukha mo Ralph. Let me ask you this… naranasan mo na bang masaktan ng iba? Naranasanan mo na bang maloko? Naranasanan mo na bang saktan ng taong mahal mo kahit na wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?”
Hindi siya makasagot.
“Answer me!”
Umiling siya..
“Then, you don’t have the right to say those things to me. Wala kang karapatang sabihing hindi lang ako ang taong nasasaktan… wala kang karapatan dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon! Hindi mo alam kung ano ang mararamdaman ni Alyssa pag nalaman niya ang lahat!” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobra na ang agos ng luha sa mukha ko.
“I’m sorry… I’ll explain this to Alyssa… please, I’ll do anything. I love you.. Ano ba ang gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo ako?”
“…hindi na tayo pwede Ralph.. kahit na magbreak kayo ni Alyssa, hindi na pwede. Hindi ko kayang gawin sa kapatid ko yun. Ex nga ng kaibigan ko, willing kong layuan, yung boyfriend pa kaya ng…kapatid ko. Fuck!” Bullshit talaga.
“At hindi ko din hahayaang mapunta ang kapatid ko sa gaya mo. Anong gusto kong gawin mo? Stay away from us. Do that.. at BAKA mapatawad kita balang araw.”
“Alexis,” tanong niya.. “…do you still love me?” nakatingin siya sa akin.
Hindi ako nakasagot kaagad. Napaka obvious naman ng sagot sa tanong na yun. Bakit ba ganito ang mga lalaki? Alam naman nilang OO ang sagot pero tinatanong pa. TORTURE. Well, hindi lang sila ang kayang magsabi ng kasinungalingan. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.
“I should drop the act now..” I smiled at him.. Damn – that was the most believable fake smile I ever did in my whole life.
“…madali ka lang kalimutan, Ralph. And for the last time, break up with my sister. Don’t you dare to tell her about ‘us’.” I glared at him.
Hindi na siya nakapagsalita pa. Nakatingin lang siya sa akin. Alam kong hindi niya akalaing masasabi ko yun. I’m getting good at lying.
Pumasok na ako sa kotse. Nakita ko namang umalis siya sa harapan ng sasakyan. Pinaandar ko kaagad ito nang mabilis. But then, di ko maiwasang tingnan si Ralph sa rearview mirror. Nakaupo siya sa kalsada. I know he’s crying.
Humagulgul na din ako habang nagmamaneho. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iikot… Umuwi na rin ako kaagad. Ang tagal pang buksan ang gate. Badtrip.
BEEEEEEP! BEEEEEEP! BEEEEEEP!
Bumukas na ang gate… Sinenyasan ako ng guard pero hindi ko binaba ang bintana para batiin siya.
Bakit ba ganito? Ang sakit na.
How can someone who healed your heart be the one who can hurt you this much?
Sinandal ko ang ulo ko sa steering wheel… Hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Sabi nila, the first heartbreak is the worst one… pero bakit mas masakit yung nararamdaman ko ngayon kesa sa naramdaman ko kay Gerald dati?
Bigla na lang may kumatok sa bintana ng kotse. It was my sister. Inayos ko ang sarili ko bago bumaba ng kotse.
“Hala, bakit ka umiiyak ate?!” niyakap niya ako. “I’m sorry, I’m sorry… Naku, lagot sina kuya Aldrin sa akin. Sabi ko kasi sa kanila wag ka nang bitinin e–“
Hindi ko siya maintindihan… Bigla na lang niya akong hinila papunta sa loob ng bahay… Then, nandun lahat ng mga kaklase ko… pati mga close family friends..
“HAPPY 17th BIRTHDAY ALEXIS!!!!!!” sigaw nilang lahat pagkatapos ay kumanta… “Happy birthday to you.. happy birthday… happy birthday…” Mas lalo akong naiyak..
Naiyak dahil sa lungkot at saya…
Masaya dahil wala ng kulang sa memory ko. Malungkot dahil ramdam kong may kulang sa akin…
Kakaiba na ang iyak ko kaya huminto silang lahat. Tumahimik ang buong paligid…
“…alexis?” nilapitan ako ni Mae… “..best, anong nangyayari?”
Napayakap ako sa kanya.
“..wala na kami ni Ralph..” bulong ko. “…she’s my sister’s boyfriend. Alyssa doesn’t know about us. Kahapon ko lang nalaman.”
“What?!” my bestfriend hissed. “Let’s talk about this later..”
Pinunasan ni Mae ang mukha ko…
“She didn’t expect this daw… Nakakainis daw tayo!” she faked a laugh. Nakitawa din ako at nagpasalamat sa mga tao.
Buti na lang nandito si Mae, kung wala siya, malamang, iiyak lang ako.
Then, okay na naman. Kumain kami. Nagcelebrate. Hindi muna ako pinagkwento ni Mae. I tried to act normal and happy for them… syempre.. sayang naman ang effort nila kung makikita nilang malungkot ako, di ba?
“Mae, this is the saddest birthday I’ve ever had so far..” nakatingin ako sa mga bisita habang umiinom ng juice.
“Best… I don’t have the right to say ‘cheer up’. Dahil kahit saang anggulo mo tingnan, masakit yun… And I’m sorry.. wala akong alam tungkol kay Ralph… If I knew—“
“I know, Mae. I know. Wala ka namang dapat ihingi ng sorry.”
Hindi pa kami magkakilala ni Mae nung nangyari ang aksidente. We became bestfriends when we were freshmen. That was 2 years after the accident. So malamang wala talaga siyang alam.
“Gusto mo sa amin ka muna matulog? Hmmm. Kahit isang araw lang na ibang paligid naman ang nakikita mo. This place reminds you of him and Al. And besides, sabi mo kay Ralph makipagbreak na siya sa kapatid mo di’ba? Kaya mo bang makitang umiiyak ang kapatid mo kapag nangyari yun?”
Umiling ako.
“I don’t know what should I do, best. If I tell her the truth, masasaktan siya. If I let Ralph play with her, mas masasaktan siya. If I persuade Ralph to break up with her, ganun pa rin. Kahit anong desisyon ang gawin ko… masasaktan pa rin si Alyssa. Kung alam ko lang… kung hindi lang ako ganoon kadaling na-fall…”
“Alexis… it’s not your fault okay?”
Pinipigilan ko pa ring umiyak dahil kapag nagsimula ng tumulo ang luha ko hindi ko na ‘to mapipigilan pa. At siguradong madaming bisita kaagad ang makakapansin dahil nga ako ang center of attraction ngayon. Ang sakit na nga ng ilong at mga mata ko…
“Mae, after ng graduation natin… aalis muna ako dito sa Pilipinas. I don’t know. Probably, I’ll stay with Alyssa and dad in the states for a while… or hihiwalay muna ako sa kanila. Hindi ko alam.”
“..you still have a month to think about that. Alam mong di kita masusundan dun. Anyway, bestfriends will always be bestfriends.”
—-






(4.83 out of 5)









iyakan naman.. Wahhhhhhhhh…
Like or Dislike:
0
0
March 13th, 2013 at 9:22 pm